Hindi kaagad mapapakinabangan ng lahat ng mga Pilipino ang ipinapangakong benepisyo ng Universal Health Care Law sa 2020.
Sa pagdinig ng budget ng Department of Health sa House appropriations committee, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi kaya ng pamahalaan na magkaroon ng national roll out sa Universal Health Care Law dahil sa kakulangan sa pondo.
Dahil sa budgetary constraints ng Universal Health Care Law ay pumili na lamang muna ang DOH ng lugar na magsisilbing model para sa first year implementation ng nasabing batas.
Para sa ganap na implementasyon ng batas, mangangailangan ng P257 Billion para dito.
Aabot sa P166.5 billion ang proposed budget ng DOH sa 2020.
Facebook Comments