Unli rice promo, dapat nang ipagbawal

Manila, Philippines – Isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang pagbabawal ng “unlimited rice promo” sa mga restaurant at kainan.

Payo ni Villar – mas mainam na kumain ng mas maraming gulay at tigilan na ang unli rice para maingatan ang kalusugan at makapagtipid sa bigas.

Ipinaliwanag ni Villar – bukod sa dalang sakit ng sobrang pagkain ng kanin — lumilitaw din sa pag-aaral ng mga eksperto na umaabot sa 23 milyong pisong halaga ng bigas ang nasasayang araw-araw.


Nabatid na matagal na ring ikinakampanya ng Health Department ang mas aktibong pagkain ng gulay at prutas kaysa sa kanin para makaiwas sa sakit.

DZXL558

Facebook Comments