Matatanggap na rin ng 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) na kabilang sa mahigit 10,000 Pilipinong nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia noong 2015 at 2016 ang hindi pa nila nakukuhang sahod.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, maipo-proseso na ang kanilang tseke sa susunod na linggo.
Bukod dito, 400 tseke pa ang inaasahang maipamamahagi sa Marso.
Noong Enero, mahigit 1,000 displaced OFWs na ang nakatanggap ng kanilang unpaid claims.
Tiniyak naman ni Cacdac na patuloy silang makikipag-ugnayan sa Saudi Arabia hanggang sa matanggap ng mga OFW at kanilang pamilya ang hindi nabayarang sahod at benepisyo.
Facebook Comments