𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢

Patay ang isa katao habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlong iba pa sa naganap na banggaan ng motor at tricycle sa bayan ng Urbiztondo.

Nakilala ang namatay na biktima na si Smiley Labagnoy residente ng Barangay Galarin sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon sakay ng motor si Labagnoy at angkas nito ang Isang kinse anyos na binatilyo habang binabagtas ang kahabaan ng Barangay Real sa nasabing bayan nang biglang mapunta sa linya nito ang tricycle na minamaneho ng Isang Nelson Arambulo na dahilan ng kanilang head-on collision.

Dahil dito ay tumilapon ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang panig bahagi ng katawan na agad naman naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival si Labagnoy habang kasalukuyang inoobserbahan pa ang angkas nito maging si Arambulo at sakay nitong isang apat na taong gulang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments