Unpaid wages ng 10,000 displaced OFWs sa Saudi Arabia noong 2015 at 2016, malapit nang matanggap – DMW

Malapit nang matanggap ng nasa 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kanilang unpaid wages mula sa mga pinagtrabahuhang kompanya sa Saudi Arabia na nalugi at nagsara noong 2015 at 2016.

Sa online press briefing kahapon, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na nakipag-ugnayan na ang gobyerno ng Saudi sa Ministry of Finance nito upang iproseso ang claims at iba pang benepisyo ng mga apektadong OFW.

Nanggaling aniya ang utos sa mismong crown prince ng Kingdom of Saudi Arabia.


“We no longer inquired about the amount but what is clear is that it is there and it is sufficient to pay not just the claims of our unpaid workers, but all other claims including those of their own people,” ani Ople.

“This is a firm commitment on the part of the Saudi government by virtue of the order coming from the crown prince himself,” dagdag niya.

Ayon sa kalihim, lahat ng claimants ay babayaran depende sa mga hawak nilang legal na dokumento.

Maliban dito, wala pang ibang detalyeng inilalabas ang Saudi.

Kailangan pa umano nila ng karagdagang panahon para matiyak na maisasagawa nang legal at maayos ang pagproseso sa mga claims.

Facebook Comments