Unplanned at force power outages, sinisilip ng DOE

Inaalam na ng Department of Energy (DOE) kung bakit sumasabay ang mga unplanned at force outages sa panahong mas kailangan ng malaking power generation.

Ito ay sa harap na rin ng pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon grid.

Kahapon, mas mahaba ang ipinatupad na red alert sa Luzon mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.


Paliwanag naman ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga – isang porsiyento lang ang ibiniba ng konsumo sa kuryente ng kanilang mga customer mula noong kasagsagan ng tag-init.

Tiniyak naman ni Zaldarriaga na magiging rotational at hindi sa iilang lugar lang sakaling mauwi sa brownout ang pagnipis sa suplay ng kuryente.

Agad din daw nilang ia-anunsyo sa kanilang social media accounts ang interruption schedule.

Facebook Comments