UNSCHEDULED POWER INTERRUPTION SA ILANG BAHAGI NG PANGASINAN, NARANASAN SA KASAGSAGAN NG BAGYO

Nakaranas ng unscheduled power interruption ang ilang bahagi ng Pangasinan kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Emong kahapon.

 

Ayon sa ilang electric service providers, nagkaroon ng aberya sa ilang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines.

 

Bagaman patuloy ang inspeksyon upang matukoy ang dahilan, nagpapatuloy naman ang line inspection at restoration sa suplay ng kuryente partikular sa kanlurang bahagi ng Pangasinan na lubhang napuruhan ng bagyo.

 

Kapansin-pansin din ang ilang nabuwal na puno at muntik nang pagkatumba ng ilang poste, maging ang nalubog sa baha na Palamis Electric Substation sa Alaminos City.

 

Nanindigan naman ang mga electric service providers na isasaayos agad ang mga nasirang linya sa tuluyang pagbuti ng panahon upang muling makapagbigay serbisyo sa mga konsyumer.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments