Ikinatuwa ngayon ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang muling pagbabalik ng sigla ng mga kabilang sa Micro, Small, Medium, and Enterprises o MSMEs sa lalawigan matapos ang halos tatlong taong pandemya.
Ayon kay DTI-Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, sa kabila ng naganap na pandemya, may ilang mga kabilang sa MSMEs ay hindi na nagpatuloy sa pagnenegosyo ngunit sa kabila nito ay karamihan pa rin sa mga ito ay nagnenegosyo pa rin.
Aniya, nang maganap ang pandemya, marami naman ang umusbong na mga panibagong MSMEs kung saan nangunguna sa kanilang listahan ang mga bagong usbong na negosyo ay sa pagkain.
Matatandaan na noong pandemya, dahil sa bawal ang paglabas ng mga tao, naging patok dito ang online food delivery na siyang tinatangkilik ng karamihan noon at ngayon patok pa rin ito. |ifmnews
Facebook Comments