PAG-ALIS NG MGA NAKABARA SA MGA DRAINAGE SYSTEM SA BAYAMBANG, MULING ISINASAGAWA

Puspusan muli ang pagsasagawa ng Engineering Office ng Bayambang ng pag-alis ng mga nakabara sa mga drainage system sa iba’t ibang lugar sa Poblacion area.
Ilan sa mga inayos na mga drainage system sa bayan ay Brgy. Poblacion Sur, Cadre Site, at Zone III.
Maging ang pampublikong pamilihan sa bayan ay hindi pinalampas at inayos rin ang mga nakabarang dumi sa drainage system nito.

Ang pagsasagawa ng declogging activity na ito sa bayan ay mula sa pangunguna ng City Engineering Office katulong ang Bureau of Fire Protection.
Muling nakiusap at nagbigay ng paalala ang lokal na pamahalaan sa publiko na iwasan sana ang pagtatapon ng kanilang mga basura sa daan na siyang nagiging dahilan ng madalas na pagkakaroon ng mga bara sa kanilang mga drainage system. |ifmnews
Facebook Comments