Unti-unting paglilipat sa face-to-face classes sa mga low-risk areas, iginiit ng isang pang kongresista

Iminungkahi ng isang kongresista ang gradual o unti-unting paglilipat sa face-to-face classes ng mga low-risk areas.

Ayon kay Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong, dapat na mapag-aralan na ang mga paraan para sa unti-unting pagbubukas ng mga klase sa mga paaralan partikular sa mga lugar na may mababa o walang kaso ng COVID-19.

Pinuna ng kongresista na napag-iiwanan ang mga taga-probinsya sa ilalim ng blended learning system lalo na sa mga lugar na wala talagang signal o internet.


Bagama’t mayroon naman aniyang modular, ay hindi naman sapat ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.

Inirekomenda ni Ong na gawin sa kada batch o kada schedule ng bawat klase ang pasok sa mga eskwela ng mga estudyante tulad ng dalawang beses sa isang linggo.

Ipinahahanda rin ng mambabatas sa Department of Education (DepEd) ang paglalatag ng protocols sa posibilidad ng face-to-face classes gaya ng libreng swab tests sa mga guro at mga mag-aaral.

Facebook Comments