UP at DILG, mag-uusap na para sa 1992 UP-DILG Accord review

Uupuan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at University of the Philippines (UP) ang pagtalakay sa 1992 UP-DILG Agreement.

Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, itinakda ngayong linggo ang pagrebyu sa kasunduan kung saan bawal pumasok sa nasabing unibersidad ang mga pulis at magsagawa ng operation nang walang pahintulot.

Paliwanag ni Malaya, kailangan nilang kunin ang panig ng UP bago sila magdesisyon kung dapat na rin ba itong ipawalang-bisa.


Dagdag pa ng opisyal na ang UP-DILG Accord ay pinirmahan noong panahon ng dating DILG Sec. Rafael Alunan III at dating UP President Jose Abueva matapos maisabatas ang pagtatatag ng DILG kung saan isinailalim ang Philippine Constabulary na ngayon ay Philippine National Police (PNP).

Pagkatapos ng pagpupulong ay saka pa lamang umano maglalabas ng desisyon ang DILG kung dapat bang manatili pa ang kasunduan o kailangang palitan na ang ibang probisyon nito.

Facebook Comments