Wanted sa kasong 3 counts of rape, arestado

17

Numancia, Aklan — Arestado ng mga otoridad ang isang lalaking wanted sa kasong 3 counts of rape kaninang umaga sa Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan.
Kinilala ang akusado kay Danilo Rambunay, 54-anyos at residente ng Pusiw sa nasabing bayan.
Inaresto si Rambunay ng mga taga Numancia PNP sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge, Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang Enero 29, 2021.
Walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakatakda namang iturn-over sa korte si Rambunay.

Facebook Comments