UP at DLSU, bumaba sa 2021 Times Higher Education Asia University rankings

45

Bumaba pa ang ranking ng University of the Philippines (UP) at De La Salle University (DLSU) sa 2021 Times Higher Education Asia University Rankings.

Mula sa dating ika-65 na puwesto, bumaba ang UP sa ika-84 matapos makakuha ng 43.9 na score, kumpara sa 44.5 noong 2020, habang ang DLSU ay bumulusok mula sa 301-350 bracket papunta sa 401+ bracket.


Nabase ang ranking sa performance indicators sa aspeto ng pagtuturo, research, citation, international outlook at industry income.

Nanguna ang Tsinghua University ng China sa Asia university rankings ngayong 2021 na sinundan ng Peking University na nasa China rin.

Sumunod dito ang:

National University of Singapore



University of Hong Kong


Nanyang Technological University Singapore

University of Tokyo

Chinese University of Hong Kong

The Hong Kong University of Science and Technology

Seoul National University

Kyoto University

Pasok ang 551 unibersidad sa Asia sa 2021 ranking.

Facebook Comments