UP-DND accord, pina-i-institutionalize ng Kamara; Iba pang SUCs at colleges, pinadedeklara na ring freedom spaces

Isinusulong sa Kamara na gawing institutionalize ang 1989 UP-DND Accord at ideklara na ring freedom spaces ang lahat ng State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.

Ito ay kasunod na rin ng unilateral termination sa kasunduan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND) na nagbabawal sa state forces na pumasok sa campus na walang pahintulot mula sa mga university officials.

Sa inihaing House Bill 8443 ni Quezon City Rep. Kit Belmonte ay hinihiling nito na i-institutionalize ang kasunduan hindi lamang sa UP kundi sa lahat ng mga SUCs at kolehiyo sa bansa.


Sa ilalim ng panukala ay ipinadedeklarang “freedom spaces” ang lahat ng mga eskwelahan kung saan ginagarantiya rito ang academic freedom.

Layunin din ng panukala na kilalanin ng mga otoridad ang ownership ng mga SUCs sa mga pag-aari ng unibersidad kung saan mangangailangan muna ng koordinasyon at authorization sa school administration bago makapasok o magsagawa ng security operations sa loob ng paaralan.

Pinananatili naman na ang mga pulis at militar ay maaari lamang makapasok sa school premises kung may hot pursuit o emergency situations kaakibat na may pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng unibersidad.

Sa oras na maging ganap na batas ay hindi lamang limitado sa UP ang accord kundi sakop na rin ang lahat ng SUCs at colleges ng buong bansa.

Facebook Comments