UP Fighting Maroons, nasungkit ang makasaysayang kampeonato kontra Blue Eagles sa UAAP season 84

42

Matapos ang mahigit tatlong dekadang, itinanghal na kampeon ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa UAAP Season 84 men’s basketball finals.

Ito ay matapos talunin ng Fighting Maroons sa overtime game ang Ateneo Blue Eagles sa score na 72-69.

Nagtala ng 17 points, siyam na rebounds at tatlong steals si Malick Diouf ng UP na siya ring hinirang bilang Most Valuable Player (MVP).


Nag-ambag naman ng 14 points si CJ Cansino at 13 points si JD Cagulangan para makuha ng Fighting Maroons ang pangatlong championship title mula pa 1986.

Facebook Comments