UP, itinangging mayroong recruitment sa kanilang mga estudyanye para maging miyembro ng CPP-NPA

Itinanggi ng pamunuan ng University of the Philippines (UP) Diliman Campus ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkakaroon ng ‘recruitment’ sa kanilang mga estudyante para maging bahagi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Iginiit ni UP Vice President for Public Affairs Dr. Elena Pernia na hindi bahagi ng misyon ng unibersidad na mag-recruit ng mga estudyante para gawing myembro ng grupong kumakalaban sa pamahalaan.

Ayon kay Pernia, dapat sana ay makita ng Pangulo ang malaking kontribusyon ng UP sa lipunan at hindi sa iilang mag-aaral na may iba at sariling paniniwala.


Aniya, kung titingnan ang kasalukuyang pamahalaan, karamihan sa mga alumni ng UP ang kasama ngayon ng Pangulong Duterte.

Isa sa kanila ay si Presidential Spokesman Harry Roque kung saan may mga mambabatas na nasa Senado at Kamara na pawang mga galing ng UP.

Mariin ding itinanggi ni Pernia na nagmula sa pamunuan ng UP ang panawagang ‘academic break’ saka sinabing maaari itong nagmula sa mga militanteng grupo na hindi naman kumakatawan sa buong eskwelahan.

Facebook Comments