Giga kontra Phoenix Fuel Masters sa Semifinals series ng PBA Philippine Cup

Pinangunahan ni Jayson Castro ang panalo ng TNT Tropang Giga sa Game 1 ng Semifinals series ng PBA Philippine Cup kontra Phoenix Fuel Masters.

Tinalo ng TNT ang Phoenix sa score na 95-92.

Nakuha ng 20-points, 6-rebounds, 6-assists at 2-steals si Castro kung saan nag-ambag naman si Ray Parks jr. ng 17-points.


Nabatid na sinamantala ng Tropang Giga ang pagkaka-foul trouble ni Calvin Abueva at ang pagkakaroon ng ankle injury ni Matthew Wright na pawang mga lead scorers ng fuel masters.

Ang game 2 sa semifinals series ng TNT at Phoenix ay mapapanood naman sa Biyernes, alas-3:45 ng hapon.

Facebook Comments