UP, kabilang sa top 500 universities sa buong mundo

Pasok na ang University of the Philippines sa top 500 higher education institutions sa mundo.

Ito ay base sa pinakahuling world university rankings na inilabas ng London-based Times Higher Education (THE).

Ang UP ay umakyat sa 401st-500th spot, mula sa 501st-600th spot noong nakaraang taon.


Ibinase ang ranking sa 13 performance indicators na pinagsama sa lima aspeto: teaching; research; citations; industry income at international outlook.

Base sa resulta, nag-improve ang score ng UP sa aspeto ng teaching (24.7%), research (17.2%), industry income (39.4%) at citations (86.9%).

Ang De La Salle University, ang isa pang unibersidad ng bansa na nasa listahan ay bumaba sa 1,000+ spot mula sa nakaraang taong 801st-1,000th place.

Nangunguna sa listahan ang University of Oxford ng United Kingdom, pumangalawa ang California Institute of Technology sa United States, habang nasa ikatlong pwesto ang University of Cambridge.

Ang rankings ay kabilang sa 1,396 research universities mula sa 92 bansa sa mundo.

Facebook Comments