Nakakuha ng mataas na marka ang Univeristy of the Philippines (UP) sa Health Research Citations kaysa sa mga pinaka-prominenteng unibersidad sa Estados Unidos at United Kingdom.
Ito ay base sa Times Higher Education (THE) World University Rankings 2019.
Ang UP ay nakakuha ng 98.8 citation score, lamang sa University of Oxford (92.7), Harvard University (87.4), University of Cambridge (88.5), Imperial College of London (87.8), at Standford University (92.1) na bumubuo sa Top 5 Universities sa overall rankings para sa Clinical, Pre-Clinical, at Health Subjects.
Ang UP ay nasa Top 501-600 universities sa Overall World University Rankings 2019, umangat mula sa 601-800 ranking Noong 2018.
Facebook Comments