Suportado ng University of the Philippines (UP) Pandemic Response Team ang sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na posibleng ibaba na sa Alert Level 1 ang Pilipinas sa susunod na taon.
Ayon kay Dr. Jomar Rabajante, tagapagsalita ng grupo, bagama’t bahagyang tumaas ang kaso simula noong Disyembre 20, hindi naman ito itinuturing na nakakaalarma.
Kaugnay naman sa posibleng surge ng kaso sa kalagitnaan ng Enero, sinabi ni Rabajante na inaasahan na nila ito dahil sa dami ng lumabas at nagtungo sa pampublikong lugar ngayong holiday season.
Facebook Comments