Makakatulong ang pagbabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan upang hindi umabot sa 220,000 projected COVID-19 cases ng University of the Philippines (UP) sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.
Ayon kay Professor Ranjit Rye ng UP-OCTA research team, mayroon ding malaking impak ang pagpapanumbalik sa MECQ sa ilang lugar sa bansa sa virus transmission rate.
Sa kasalukuyan kasi, nasa 1.5 ang reproduction number ng virus pero kumpyansa aniya syang mapapababa ito ng isa sa loob ng 15 araw na nasa ilalim ang Metro Manila sa MECQ.
Maliban dito, kung sasamahan pa aniya ng pinaigting na Testing, Tracing, Treatment (T3) at sasamahan ng matinding kooperasyon ng private sector at civil society ay wala aniyang kaduda-duda na sa loob ng 15 days ay babagsak sa isa ang reproduction number ng virus.
Isama pa dito ang pagiging homeliner ng bawat isa at pagsusuot ng face mask, proper hand hygiene at pagtalima sa physical distancing.