‘UP UP’ Isabela, Nagsimula na Ngayong araw!

*Cauayan City, Isabela- *Sinimulan na ngayong araw ang pagsasagawa ng “Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran Forum” sa pangunguna ni Lt. Col Randy Buena, ang Group Commander ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Airforce na naka base at isinasagawa sa San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa personal na pagtutok ng 98.5 iFM Cauayan mula sa TOG2, layunin nito na maiparating sa mga Isabelino ang mga mahahalagang impormasyon at inisyatibo rin na maibahagi ang target ng pamahalaan na wakasan ang kaguluhan ng mga teroristang komunista.

Ito ay dinaluhan ng PIA at TESDA Isabela, mga lokal na mamamahayag at iba pang mga indibidwal.


Kaugnay nito, ito ay unang edisyon pa lamang sa buong Lalawigan ng Isabela na planong gawin dalawang beses sa isang buwan at isasagawa rin sa buong Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments