Manila, Philippines – Nanindigan si 2nd District AlbayRepresentative Joey Salceda na kailangan ng magpataw ng excise tax sa bansakapalit ng mas mababang personal income tax.
Ito’y matapos makalusot sa House Ways and Means angcomprehensive tax reform package ng administrasyong Duterte.
Paliwanag ni Salceda na siyang senior vice chairman ngkomite, Pilipinas lamang at Mexico sa mundo ang walang excise tax sa diesel.
Ayon kay Salceda, ito ang magiging pambawi sa mawawalangkita ng pamahalaan sa pagbaba ng personal income tax at pagtanggal ng exemptionsa VAT.
Kung titingnan din anya ang tax reform package, halos 99%ng bansa ang makikinabang dito.
Kabilang sa tax reform package ang pagdadagdag ng tax samga soft drinks at iba pang sweetened beverages habang ibaba naman ang tax samga luxury vehicles.
Sakaling maipatupad ang pagpapataw ng excise tax, sinabipa ni Salceda na magbibigay ng subsidiya o tulong pinansyal ang pamahalaan samga drivers sa bansa.
Upang mapababa ang personal income tax ng publiko, pagpataw ng excise tax sa bansa – iginiit!
Facebook Comments