UPCAT para sa academic year 2022-2023, muling sinuspinde

Inanunsyo ng pamunuan ng University of the Philippines na suspendido muli ang UP college admission test para sa academic year 2022-2023 para sa papasok ng first year.

Sa abiso, gagamiting muli ng unibersidad ang admission scoring model noong academic year 2021-2022.

Sa isang memorandum, tinukoy na dahilan ng unibersidad ang pandemya


Kabilang dito ang hamon sa logistics, at kawalan ng kasiguraduhan sa sitwasyon sa gitna ng pandemya.

Ito na ang ikalawang sunod na sinuspinde ang UPCAT dahil sa COVID-19.

Ang UP council sa lahat ng UP system ay bumoto pabor sa pagsuspinde.

Ang UPCAT ay ginagawa sa UP Diliman campuses at sa 95 testing centers sa buong bansa.

Facebook Comments