UPD-USC, naghain ng petition sa UP Chancellor para suspindehin ang mga klase at academic deadlines

Isang petisyon ang inihain ng University Student Council (USC) at Student Council (SC) ng mga local colleges ng University of the Philippines na humihiling sa Office of the Chancellor na suspindehin ang lahat ng synchronous at asynchronous classes mula April 5 hanggang April 12.

Pinapahinto rin ng mga petitioners ang mga deadlines ng lahat ng mga academic requirements.

Sa pamamagitan umano ng naturang ease of education, mapapagaan at mapoprotektahan ang mental health ng mga mag-aaral habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.


Facebook Comments