Cavite City – Balik-piitan na ang nasa sampung preso matapos pumuga sa Bacoor City, Custodial Center sa Cavite.
Ayon sa Bacoor City Police, pinakahuling naaresto ang isang pugante na nasa Cavite City.
Sinabi ni CALABARZON Police Director Edward Carranza, bumuo sila ng task force na tutugis sa 13 pang pugante.
Nanawagan si Carranza sa publiko na makipag-ugnayan sa PNP kung may impormasyon hinggil sa pinaghahanap na mga preso.
Nagbabala pa ang opisyalo na kakasuhan ang sinumang magkakanlong sa mga wanted.
Sinuspinde muna ang pagdalaw sa mga preso sa loob ng custodial center habang tinutugis ang iba pa.
Facebook Comments