UPDATE | 14 na senior citizen, sawi matapos mahulog ang jeep sa bangin sa Kalinga

93

Patay ang labing apat na senior citizen habang mahigit dalawampu ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyan nilang jeep sa isang bangin sa balbalan, kalinga.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Senior Superintendent Alfred Danganin, PNP Provincial Director ng Kalinga, may nakasalubong na sasakyan ang jeep kaya at umatras ito pero nang paandarin ay namatay ang makina nito at tuluyang nahulog sa 200-talampakang lalim ng bangin.

Dead on the spot ang labing tatlong biktima at ang isa ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Nabatid na pauwi ang mga biktima matapos na mag-withdraw ng kanilang allowance sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) nang mangyari ang aksidente.

Unang tinitingnang na dahilan ng insidente ay ang “overloading” kung saan sobra ang dami ng pasahero nito.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang iba pang nasugatan kabilang ang driver ng jeep.

Facebook Comments