PBA | TNT KaTropa, kumuha ng bagong import at consultant

98

Manila, Philippines – Muling kumuha ng bagong import ang TNT KaTropa para palakasin pa ang kanilang kampaniya sa 2018 PBA Governors Cup.

Paglalaruin ng TNT ang import na si Marqus Blakely na dating naglaro at nakakuha ng dalawang kampeonato sa San Mig Coffee Mixers.

Pinalitan niya sina Mike Glover at Stacey Davis na pinauwi ng TNT dahil sa hindi magandang performance ng mga ito.

Bukod kay Blakely, kumuha din ng bagong din ang KaTropa ng bagong consultant na si Mark Dickel.

Nabatid na dating manlalaro ng New Zealand si Dickel at dati din siyang naging player ni Tab Baldwin noong 2002.

Facebook Comments