Sumampa na sa 20 ang patay habang 112 ang sugatan matapos dalawang pagsabog na nangyari sa Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu.
Ito ang opisyal na pinakahuling datos na nakalap ng PNP.
Sa interview ng RMN Manila kay PNP Spokesperson, Sr/Supt. Bernard Banac – patuloy ang pagsisiyasat ng explosives and ordinance team sa uri ng pampasabog na ginamit.
Malinaw aniya na isa itong ‘terrorist act’.
Nanawagan ang PNP sa mga residente na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa agarang pagtugis sa mga responsible sa insidente.
Sa interview din ng RMN kay AFP-Wesmincom Spokesperson Col. Gerry Besana – may mga tukoy na silang persons of interest sa insidente dahil sa narekober na CCTV footage ng simbahan.
Bagaman at nakalusot ang insidente habang umiiral ang martial law sa Mindanao at election period, iginiit ng AFP at PNP na walang silang pagkukulang pagdating sa intelligence at paglalatag ng seguridad.
Bukas ang AFP at PNP sa anumang tulong na ibibigay ng ibang bansa para labanan ang terorismo.