Manila, Philippines – Base sa pinakahuling datos ng Department or Labor and Employment, nasa 607 na mga aplikante ang nakibahagi sa special job fair ng ahensya ngayong araw sa Quezon City Hall, na inilaan para sa mga Persons with Disabilities.
Sa bilang na ito, 318 dito ay lalaki habang 289 naman ang babae.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang special job fair na ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng International Day for Persons with Disabilities.
Ilan sa mga posisyon na maaaring pasukan ng mga akplikante ay Demo Salesperson, Warehouse Personnel, Customer Lounge Attendant, Machine Operator, Encoder, Merchandizer at Brand Ambassador.
Nasa 8 na aplikante na ang Hired On the Spot, para sa mga posisyong Cash Register, Sales Clerk at Janitor.
Ayon sa DOLE, nasa halos 100 mga private companies at gov’t agency ang kabalikat nila sa job fair ngayong araw.