UPDATE | Arestadong suspek sa car bomb explosion sa Lamitan, may koneksyon sa Abu Sayyaf

Basilan – May koneksyon sa Abu Sayyaf ang arestadong suspek sa car bomb explosion sa Lamitan Basilan.

Ito ang binunyag ni Western Mindanao Command Spokesman Lieutenant Colonel Gerry Besana.

Ang suspek ay kinilalang si Ustadz Jainul Malialim Indamim alyas Abdulgani , 58-anyos, may-asawa at residente ng Tinamban, Barangay Maganda, Lamitan City Basilan.


Base aniya sa intelligence reports, may mga kamag-anak na Abu Sayyaf ang suspek at isa siya sa mga persons of interest sa car bomb explosion sa Lamitan, Basilan noong Martes.

Nilinaw naman ni Besana na hindi inaresto ang suspek dahil sa naturang car bomb explosion.

Paliwanag ni Besana, pinuntahan ang suspek ng mga tropa ng 3rd Scout Ranger Battalion makalipas ang pagsabog para lang kwestyunin sa kanyang nalalaman sa insidente, dahil kilala ito sa lugar na may possibleng kaugnayan sa terrorist activity.

Pero nang imbitahan for questioning, natagpuan sa kanyang pag-iingat ang isang granada.

Dahil dito, dinala ng militar ang suspek sa local PNP para masampahan ng kasong illegal possession of explosives.

Facebook Comments