Bahagyang humina ang bagyong Rosita habang nagbabanta sa Isabela-Aurora area.
Huling namataan ang bagyo sa layong 410 kilometers silangan hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.
Kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging aabot sa 150 kph at pagbugsong 185 kph.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone warning signal no.3 sa Isabela, Quirino at Northern Aurora.
Signal no. 2 naman sa Cagayan, Southern Aurora, Nueva Vizcaya, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet, Nueva Ecija, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Tarlac, Northern Quezon kabilang ang Polillo Island.
Habang signal no. 1 sa Apayao, Ilocos Norte, Batanes kasama ang Babuyan Group of Islands, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Southern Quezon, Metro Manila at Camarines Norte.
Bukas ng umaga, inaasahang tatama sa lupa ng Southern Isabela at Northern Cagayan ang bagyo.
Nagbabala naman ang PAGASA ng storm surge sa mga baybayin sa Northern Luzon.