UPDATE | Bagyong Tomas, posibleng bumalik sa PAR sa mga susunod na oras

Manila, Philippines – Lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Tomas pero posibleng bumalik ito sa mga susunod na oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,550 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan kung saan bahagya itong bumilis sa 15 kilometro kada oras sa direksyong silangan hilagang-silangan.

Taglay ng bagyong Tomas ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometro bawat oras.


Ayon sa PAGASA, hindi pa rin ito inaasahang tatama sa kalupaan pero mapanganib ang paglalayag sa seaboards ng Northern Luzon, eastern seaboard ng Central at Southern Luzon at eastern seaboard ng Visayas dahil sa ihip ng norther monsoon o amihan.

Facebook Comments