UPDATE | Bilang ng nasawi sa Volcano Tsunami sa Indonesia, pumalo na sa 43, halos 600, sugatan

Indonesia – Umabot na sa 43 ang patay habang 584 ang sugatan sa nangyaring “volcano tsunami” sa Indonesia.

Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng sakuna ay ang pandeglang, South Lampung at Serang Regions.

Ilang bahay at gusali rin ang winasak ng tsunami.


Ayon kay National Disaster Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho – posibleng dahil sa new moon at “undersea landslides” ang tsunami matapos ang pagsabog ng Anak Krakatoa Volcano.

Ang Anak Krakatoa ay isang maliit na volcanic island na lumutang sa dagat 50 taon matapos ang mapaminsalang pagsabog ng Krakatoa Volcano noong 1883.

Pinangangambahang madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa ang nawawala.

Humingi naman ng paumanhin si Nugroho sa naunang pahayag ng Indonesian authorities na hindi tsunami kundi tidal surge lang ang nangyari kaya hindi dapat mag-panic ang publiko.

Facebook Comments