Quezon City – Mahaharap sa patung-patong na kaso ang Grab driver na si Daniel Ordoñez
Ayon kay Police Superintendent Louise Benjie Tremor, hepe ng Police Station 10 ng QCPD, bukod sa kasong pagtutulak ng droga, isusulong din nila na matanggalan ng lisensya at prangkisa sa pagmamaneho ng Grab si Ordonez.
Dala-dala mismo ni Ordonez ang kaniyang minamanehong Grab taxi na isang Mitsubishi Mirage nang makipagtransaksyon at bentahan ng shabu ang isang pulis na poseur buyer sa tapat ng isang convenience store sa kanto ng EDSA at Kamias Road Barangay Kamias, Quezon City.
Kabilang sa nakuha ay ang kaniyang cellphone at tatlong sachet ng shabu.
Ayon kay Police Inspector Ceferino Gatchalian Jr., ang hepe ng station drug enforcement team ng Kamuning Police Station, ikinasa ang operasyon laban kay Ordonez, matapos itong ikanta ng isa sa tatlong drug suspect na una nang naaresto kagabi.
Sabi ni Major Gatchalian, nakuha nila ang cellphone number ng Grab driver na si Ordonez hanggang sa makipagtransaksyon na ito sa pulisya at maaresto.