UPDATE | Ilang flights kanselado dahil sa pagsadsad ng Xiamen Airlines sa NAIA

Manila, Philippines – Dahil sa runway excursion o pagsadsad ng Xiamen Air flight MF8667 sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Kanselado ang ilang flights ng Cebu Pacific ngayong araw August 17.

Kabilang dito ang:
5J 272 Manila-Hong Kong
5J 929 Manila-Bangkok
5J 5054 Manila-Narita
5J 110 Manila-Hong Kong


Samantala, na-divert naman sa Clark International Airport:

5J 804 Singapore-Manila
5J 187 Incheon-Manila

Ang mga pasahero na apektado ng diverted flights ay libreng ihahatid ng shuttle bus patungong Clark International Airport.

Dahil sa nasabing insidente sarado ang international runway 06/24 ng NAIA hanggang mamayang alas dose ng tanghali.

Facebook Comments