Nangyaring tensyon sa mga boundaries ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura at Cotabato, Kontrolado na!

Pinangunahan ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang isinagawang Joint Municipal Peace and Order Council Meeting kahapon.

Layun ng pagpupulong na tuluyang matuldukan na at maayos na ang sumiklab na tesnyon sa pagitan ng mga nagkariang pamilya na nagresulta sa pagkakapekto ng pamumuhay ng ilang sibilyan mula sa mga bayan ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura at Cotabato City.

Dumalo sa pagpupulong si 5th Special Forces Batcom Lt. James Uri, Cotabato City PNP Director SSupt Rolly Octacio, Sultan Kudarap COP CIns Lendsy Sinsuat, ilang Barangay Officials at mga Base Commander ng MILF.


Sinasabing isang indibidwal ang nasawi mula sa di pa batid na hanay ng mga armado habang agad na ring nabigyan ng paunang ayuda ang mga apektadong sibilyan .
Bagaman kontrolado na ang sitwasyon umaapela pa rin Mayor Shameem sa mga involved na mga grupo na maging kalmado .

Facebook Comments