UPDATE | Jordan Clarkson, hindi pinayagan ng NBA na makalaro sa Gilas Pilipinas sa Asian Games

126

Manila, Philippines – Hindi pinayagan ng NBA si Jordan Clarkson na makapaglaro para sa Pilipinas sa 2018 Asian Games.

Ayon kay NBA Spokesperson Tim Frank, hindi kasama ang Asian Games sa mga kompetisyon na napagkasunduan ng liga at ng FIBA para pahintulutan ang mga NBA players na maglaro para sa kani-kanilang mga bansa.

Pero nilinaw ng NBA na pwedeng maglaro si Clarkson para sa Pilipinas sa ibang kompetisyon maliban sa Asian Games.

Facebook Comments