UPDATE: Lalaking Nahulog sa Ilog, Natagpuan sa Sta. Maria Isabela!

43

Sta. Maria, Isabela – Natagpuan na kaninang umaga ang bangkay ng lalaking nahulog sa ilog kamakailan sa Cabagan, Isabela.

Matatandaan na habang papauwi si Samuel Mirasol Baricaua na sakay ng kanyang motorsiklo at sa aktong iiwas sana sa kasalubong na malaking sasakyan ay natumba ang kanyang motor sa bahagi ng overflow bridge na naging sanhi ng pagkakahulog nito sa ilog at hindi na nakaahon.

Sa pamamagitan naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ay nakita ang mga labi nito sa ilog ng Sitio Catentengan, Sta. Maria, Isabela.

Ang labi ni Bariacaua ay inihatid sa bahay ng kanyang asawa na si Jenalyn Baricaua at dinala narin sa Ramos Funeral Homes, Cabagan, Isabela.

Facebook Comments