UPDATE: Pagpatay ng Riding-in-Tandem sa Isang Konsehal sa Rizal, Cagayan, Pulitika ang Nakikitang Motibo!

*San Gabriel, Cagayan-* Pulitika ang nakikitang motibo sa pagpatay kay Sangguniang Bayan Member Alfredo Alvarez ng Rizal, Cagayan.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, base na rin sa mga nakakita sa pagpatay kay SB Alvarez na dati na umanong tauhan ng isang pulitiko sa nabanggit na bayan ang mga suspek.

Gumamit umano ng isang kalibre kwarentay singkong baril ang mga suspek at narekober din sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng Caliber 45.


Matatandaan na binaril ng riding in tandem si SB Member Alvarez pasado alas sais kagabi, Hulyo 29, 2018 habang pauwi sa kanyang bahay lulan ang kanyang kotse sa kahabaan ng City Homes Road sa San Gabriel, Tuguegarao City.

Samantala, kinondena naman ni PRO2 Regional Director PCSUPT. Jose Mario Espino ang pagpatay sa konsehal at umapela rin sa publiko na makipag kooperasyon para sa agarang pagkakaaresto ng mga suspek.

Nanawagan rin si RD Espino sa mga pulitiko na huwag idaan sa pagpatay ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa pulitika.

Facebook Comments