UPDATE: PNP Dinapigue, Blangko parin sa Motibo ng Pagpatay sa Dalawang Kawani ng DENR!

Dinapigue, Isabela – Blangko parin hanggang sa ngayon ang PNP Dinapigue sa motibo ng brutal na pagpaslang sa dalawang kawani ng DENR na inilibing ang mga bangkay sa kagubatan ng Dinapigue, Isabela.

Magugunita na ginilitan, ginapos ang mga kamay at binaril ang mga paa nina Marcial Pattaguan, forest ranger ng DENR at Bronsel Impiel na volunteer naman ng nasabing ahensya.

Nahukay ang mga bangkay ng biktima sa lugar matapos ang isinagawang search and rescue operation ng mga kasapi ng PNP Dinapigue, mga sundalo at grupo ni Mayor Reynaldo Derije.


Sa panayam parin ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Clarence Labasan, hepe ng Dinapigue Police Station, October 2, 2018 nang magtungo sa kagubatan ang mga biktima sa Brgy. Ayod, Dinapigue Isabela.

October 8, 2018 nang maganap ang pamamaslang sa dalawang biktima na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek

Idinagdag pa ni Police Senior Inspector Labasan na tinitingnan na nila ang lahat ng anggulo sa maaring ugat ng pamamaslang sa dalawa at ang posibilidad na kung may kaugnayan dito ang makakaliwang grupo.

Facebook Comments