UPDATE | Public storm signal sa bagyong Samuel, inalis na; Panibagong bagyo, inaasahang papasok sa bansa

Bahagyang lumakas ang bagyong Samuel habang kumikilos papuntang Philippine Sea.

Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang sentro nito sa layong 240 kilometers west northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong 65 kph.


Bagaman at inalis na ang storm warning signal sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglalayag ng mga maliliit na seacraft sa northern at western seabord ng Luzon.

Samantala, isa na namang bagyo sa labas ng PAR sa silangan ng Mindanao ang binabantayan ngayon ng PAGASA.

Ang tropical storm “Man-Yi” ay may lakas ng hanging aabot sa 85 kph at pagbugsong 105 kph.

Lalakas pa ito habang papalapit sa PAR, pero maliit ang tiyansa na mag-landfall.

Inaasahang papasok ito ng PAR sa Linggo o Lunes at tatawagin itong bagyong “Tomas”.

Facebook Comments