Manila, Philippines – Mayroon ng partial report ang Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa P6.8 bilyong shabu shipment na nakalusot sa bansa.
Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng komite, irerekomenda nila sa kanilang report na alisin ang mga consignee for hire at kabaro system sa Bureau of Customs (BOC) at maging sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Maliban rito, sinabi ni Gordon na irerekomenda rin nila ang pagkakaroon ng customs academy na layong mabigyan ng sapat ng training ang mga tauhan ng BOC.
Titiyakin rin aniya nila na mapapanagot at makakasuhan ang mga opisyal at tauhan na nasa likod ng pagpapalusot ng ilegal na droga sa bansa.
Facebook Comments