UPDATE | SSS, inilabas na ang ₱22-B para pondohan ang monthly pension, 13th month bonus sa mga pensyonado

Manila, Philippines – Inilabas na ang Social Security System (SSS) ng ₱22 billion sa mga partner bank nito para sa 13th month pension ng mga miyembro nito.

Ipapamahagi ang bonus sa mga pensioner simula bukas, November 29 hanggang December 7.

Ayon kay SSS President, Chief Executive Officer Emmanuel Dooc – ang pension fund ay nai-distribute na sa mga disbursing partner-banks nitong November 15 para mabigyan sila ng sapat na panahon para ipamahagi ng regular monthly pension para sa December 2018 at ang 13th month pension bonus.


Ipinauubaya na rin ng SSS sa mga bangko kung ilalabas nila ng magkasabay ang December 2018 pension at ang 13th month pension.

Nakiusap na rin ang SSS sa Philippine Postal Corporation (PHLPost) na gawing prayoridad ang mga tseke para sa dalawang pension ng mga pensioner na nakatira sa mga malalayong lugar para matanggap na nila ang mga benpisyo bago ang Pasko.

Nasa 2.4 million pensioners ang makatatanggap ng 13th month at regular pension.

Facebook Comments