CJ POST | PRRD, may napili nang bagong mahistrado ng SC

291

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may napili na siyang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.

Sa inagurasyon ng Bohol-Panglao International Airport, sinabi ng Pangulo na pirmado na niya ang appointment papers ng papalit sa nagretirong si Chief Justice Teresita Leonardo De Castro.

Hindi na pinangangalan ng Pangulo ang susunod na Supreme Court chief justice at si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mag-aanunsyo nito.

Nabatid na ang mga kandidato bilang susunod na chief justice ay sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes Jr.

Facebook Comments