UPDATE | Typhoon Kong-Rey, lalo pang lumakas

Manila, Philippines – Lalo pang lumakas ang binabantayang bagyong “Kong-Rey” sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Huli itong namataan sa layong 1,395 kilometers silangan ng Central Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers per hour at pagbugsong 195 KPH.


Mamayang hapon inaasahang papasok sa par ang bagyo at tatawagin itong si bagyong “Queenie”.

Pero ayon kay PAGASA Weather Forecaster Aldczar Aurelio – hindi ito magla-landfall sa bansa at lalapit lang sa Taiwan area.

Sa ngayon, makararanas lang ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas at CARAGA Region.

Habang isolated rainshower naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila bunsod ng localized thunderstorm.

Sunset Today: 5:46PM
Sunrise Bukas: 5:45AM

Facebook Comments