IPINAGTANGGOL | MIAA GM Ed Monreal, dinepensahan ang security officials ng NAIA

Manila, Philippines – Dinepensahan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga security officials ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sangkot sa viral video ni Acts OFW Rep. John Bertiz.

Sa press briefing sa naia kanina, sinabi ni Monreal na wala siyang nakitang violation mula sa staff ng Office for Transportation Security (OTS) na sumita kay Bertiz dahil sa hindi nito pagsunod sa security protocol ng NAIA.

Sa kabila nito, tinanggap naman niya ang sorry ng kongresista at humingi rin siya ng paumanhin sa posibleng naging pagkukulang ng airport staff.


Samantala, ini-imbestigahan na rin ng MIAA kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng CCTV Footage.

Oras na matukoy, tiniyak ng opisyal na mapaparusahan ang taong mapapatunayang nag-share ng video sa Facebook.

Facebook Comments