UPDATE | Utak sa pagpuga ng 23 preso sa Bacoor, Cavite – naaresto na!

Bacoor, Cavite – Nadakip na ang itinuturong utak sa pagpuga ng 23 preso sa Bacoor, Cavite custodial center noong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Jene Lloyd Teano Bernabe.

Ayon kay Bacoor City Police Chief Vicente Cabatingan, makikipagkita sana kagabi sa kanyang kasintahan ang suspek sa simbahan ng Baclaran bago magtago sa Northern Luzon.


Sa ngayon, naibalik na sa kulungan ang 15 preso habang walong iba pa ang hinahanap pa rin ng pulisya.

Facebook Comments