NANLABAN | Drug pusher, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang drug suspek matapos pumalag sa buy-bust operation ng pulisya sa Tondo, Maynila.

Nangyari ang transaksyon sa loob mismo ng bahay ng suspek na nakilala lang sa alyas “Tonet”.

Nakahalata umano ang suspek na pulis ang binebentahan niya ng shabu kaya bigla nitong pinaputukan ang mga otoridad bago tumakas.


Na-korner si alyas Tonet sa ikalawang palapag ng katabing gusali ng kanyang bahay kung saan siya napuruhan ng mga pulis.

Ayon sa barangay chairman sa lugar, notoryus na tulak ng droga ang suspek na ilang beses nang nakulong.

Facebook Comments