UPDATE | Wildfire sa Southern California, lumubha

World – Mas dumadami pa ang lumilikas sa nagpapatuloy na wildfire sa Southern California.

Sa report, umaabot ang nasabing sunog sa San Diego County kung saan nasa 160,000 acres na ang apektado nito sa loob ng limang araw.

Hindi pa din makontrol ng nasa 5,700 na bumbero ang anim na malalaking wildfire kaya at agad na inilikas ang nasa 200,000 residente na malapit sa lugar.


Posible din mas lumala pa dito lalo na at inaasahan ang malakas na pagbugso ng hangin sa California sa susunod na dalawang araw.

Facebook Comments